Ang tunay na Elias

Ang tunay na Elias 

Ni Carmela Garcia at Princess Reymie Mangilit



               Minsan akala natin ay kaya na nating tumayo sa sarili nating paa, na kaya nati na mag-isa nalang. Oo, madaling isipin na hindi mo kailangan ng tulong, madaling isipin na kaya mo ng mag isa ngunit sa katotohanan ay napaka hirap na lumakad ng wala kang kasama.

                Nangangapa sa dilim, hindi mo alam ang iyong tatahakin, sa dami ng daan saan ka nga ba pupunta?  Sa dami ng direksyon, saan ka ng aba paparoon? Sa dami ng iyong pagdadaanan saan ka ng aba mapapadpad? Ilang beses ka na bang lumuha? Ilang beses ka na bang nadapa? Ilang beses mo na bang pinilit na ituloy ang yong paglalakbay ng mag isa? Ilang beses ka na rin bang nabigo?

                Ilang beses at ilang beses pa? Ilang beses pa bang madadapa ka bago ka matauhan na hindi ka nagiisa? Na noong panahong nangangapa ka sa dilim ay maliwanag ngunit hindi mo ito pinapansin, na noong naliligaw ka ay pilit nyang iniaabot sayo ang mapa ngunit ayaw mong tanggapin, na noong lumuluha ka ay sya ang nagmistulang pader at panyo mo. Na kung ilang beses kang nadapa ay ganong beses din kitang tinulungan bumangon.

                Siya ang iyong kasama sa kasiyahan, sa kalungkutan, sa mga drama at mga tawa. Sya ang una mong takbuhan sa tuwing ika’y nasasaktan, ang syang natitira tuwing lahat ay iniiwan ka. Sa tuwing may laban ka ay lalaban kayong dalawa, sa tuwing nawawala ka ay lagi kang may kasama. Di sya mawawala sa piling mo, dumaan man ang mga bagyo, di sya mawawalay sa’yo.

                Ngunit parang nakalimutan mo na sya, parang nakalimutan mo ng nandito pa sya. Nasasaktan sya tuwing sinasabi mong mag-isa ka sa paglalakbay mo. Parang hindi ka na naniniwala sakanya. Nagulat ka ng unti unting nagliwanag ang madilim mong landas, Lahat ng maling daan at landas ay nawala, lahat ng sakit, luha, pagod ay naglaho, saya at tuwa nalamang ang natitira. Napangiti ako. Sa wakas ay nakita mo na ko.  Sa wakas ay naniwala ka na muli sakanya.

                At sa huli napagtanto mo ang lahat. Na walang tao ang kayang mabuhay mag-isa, Na walang tao ang kayang mabuhay ng wala ang tulong ng iba at laging may tao na handa kang tanggapin sino at ano ka man, na may taong laging nandyan sa tuwing kailangan mo ng karamay, na may taong kayang intindihin ka, na may tao na kaya kang mahalin bilang isang tunay na kaibigan. At napangiti ka… napangiti ka at nasayahan dahil alam mong hindi ka na maglalakbay pang mag-isa, dahil alam mong hindi mo na kailangang mangapa sa dilim, na hindi ka na maliligaw pa, na may tutulong sayo sa tuwing lumuluha at nadadapa ka…  Napangiti ka at napatingin kay Hesus, na syang naging ilaw mo, sandalan mo at mapa mo. Napatanong ka nalang sakanya “Nasaan kaya ako, Hesus kung wala ka?” Napangiti ka nanaman dahil alam mong may isa kang kaibigan na hindi ka iiwan at sya Ang tunay na Elias ng lahat.