Nagmamahal, Maria Clara
Isang tula na isinulat nina Randall Bruce Samson and Princess Reymie Mangilit
Minsan napapaisip na lang ako kung bakit ganon
Bakit ang mga taong mahal pa natin ang nawawala sa piling natin.
Kung bakit kung kanino tayo napapalapit
Sakanila din tayo inilalayo.
Sadyang mapaglaro,
Masasakit na mga biro,
Tumatagos sa aking puso
Dahilan kung bakit ako ngayon ay bigo.
Pinaglaruan, sinaktan.
Hindi ng nino man,
Tadhana naman!
Ang awa mo’y nasaan?
Bakit mo pa kami pinagtagpo,
Kung kami rin pala’y maglalayo.
Bakit mo pa hinayaang ibigin ko sya
Kung kami rin pala’y hindi mo hahayaang maging isa?
Mga alala naming dalawa’y hindi ko makalimutan
Sa araw araw nap ag gising ko, iyan ang aking pinanghuhugutan.
Ang aking pinakamamahal na pinagramot saakin ng tadahana,
Mga pangakong kaming dalawa’y haharap sa dambana
Mga alala nating dalawa’y laging bumabalik sa aking isipan.
Mga haplos mo, mga yakap mo.
Nakakabaliw na isipin
Dahil ngayon ay wala ka na saakin
Lahat ng mga plano natin,
Lahat ng ala ala natin,
Lahat ng pinagsamahan natin,
Wala akong ibang masabi kung hindi sayang
Sayang, sayang at wala ka na ngayon
Sayang at hindi na natin natuloy ang daapat nating ituloy
Sayang, saying lang ang mga ala ala, mga pangako
Sayang lang ang pagibig nating dalawa.
Masasabi kong ikaw ay prinsipe,
Ngunit ako ay hindi nakalaan para maging iyong prinsesa.
At ang buhay na kinabubuhayan natin ay kailanman hindi magiging istorya.
Nandito na lamang ako, umiiyak nagpipighati
Pilit pa ring hinahanap mga tingin mo at ngiti
Sa bawat segundo, minute puso ko’y nahahati.
Mahal naman,
Lahat ng pangako natiing sinumpaan
Ngayon ay nasaan?
Ngayon ay heto ako at iyong iniwan
Aking pinakamamahal, kung nasaan ka man ngayon
Sanay hindi mo makalimutan mga pangako na naglaon.
Sumpang pagmamahalan, na sadyang hinadlangan
Ng oras, ng panahon, ng mga tao, ng tadhana.
Kung ako’y magpapaatotoo,
Aaminin kong ikaw pa rin ang nasa puso ko,
Ngunit anong magagawa ko?
Tila kahit lumaban pa ako
Ay hindi ako mananalo
Kaya’t sa susunod nating buhay
Nawa’y ika’y matagpuan muli,
Upang maipagpatuloy natin,
Naudlot na pag ibig.
At kung magkakatotoo nga ang aking sinambit..
Sa panahong iyon ay di ko na hahayaan
Na mawala ka, na ilayo ka s, na paghiwalayin tayong dalawa.
Kahit na ang tadhana, oras at panahon pa ang humadlang.
Ngunit kung hindi naman,
Ay tatanggapin ko na lamang.
Baka ito nga ang tama,
Siguroy kailangan na nating tanggapin na tayo’y pinagtagpo
Ngunit di kalian man itinadhana.
Lagi mong alalahanin Ibarra ko, ikaw pa rin ang nasa puso ko.
Nagmamahal, Maria Clara mo.